Donate here: Paypal or here. 🧡🌸
Pigilan ang Online Sexual Exploitation of Children
*Trigger Warning* *May mga explicit na salita tungkol sa sexual exploitation*
GUMAGAWA:
Ayon sa datos, madalas pamilya at malalapit na tao sa biktima ang gumagawa nito sa kanilang mga anak o kakilalang bata.
Huwag mag-shortcut. Huwag gawing puhunan ang mga bata para pakainin ka. Ikukulong ka kapag ginawa mo ito. Habang buhay ka ring isusumpa ng mga anak mo.
PAMILYA:
May mga phaedophile na tao sa internet at sa totoong buhay. Isa itong sikolohikal na kondisyon. Sila ay mga taong nalilibugan kapag nakakita ng mga bata. Ang mga edad ng mga bata ay mula baby hanggang 3 taong gulang hanggang teenager.
Ang batang babae at batang lalaki ay parehong puwedeng maging biktima.
1. Huwag maglagay ng hubad na litrato ng mga bata. Kahit na ang cute-cute ng mga anak natin at gusto nating ipagmalaki iyon sa mundo. Huwag mag-post ng hubad na litrato nila.
2. Turuan silang magsabi ng “NO”. Ituro sa kanila na “walang hahawak ng ari nila”, kahit sino. Yes, kahit kayo mismong mga tagapag-alaga nila.
3. Protektahan sila. Wala pa silang kakayahang protektahan ang sarili kaya’t lagi’t laging protektahan sila.
BATA:
Malaki ang epekto sa bata ng sexual exploitation, online man o pisikal. Nasisira ang buhay nila.
Ang mga survivor, araw-araw na nakikipaglaban sa bangungot.
Madalas, natatanggal sa kanila ang kakayahang makilala ang healthy sexuality: isang sekswalidad na pinili nila ng nasa tamang edad na sila at ginawa nila ng may consent at pang-unawa sa lahat ng consequences nito. Nagiging baboy na sa kanila ang sex.
HELPLINES:
For Rescue:
ENDOSEC incident details to 7455-64 (Smart)
IACAT call 1343
WCPC (032) 410-8483 for Visayas
WCPC 0917-180-6037 at 0928-604-6425 for Mindanao
NBI (02) 852-38-231
NBI Anti-Human Trafficking (02) 852-19-208 (direct line)
(02) 852-38-231 local 3497
For Rehabilitation and Recovery:
CPTCSA (632) 8426-7839
8985-0234
Cptcsa20@gmail.com
Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse
#EndOSEC #EndOnlineSexualExploitationOfChildren
Like what you read? You can support & donate through Paypal or here. 🧡🌸