Isang pakikipaglaban Sa laro ng kapalaran Sa tatag ng katawan At tibay ng isipang Naghahanap ng makakapitan Panumandaling tumigil Ang ikot ng mundo Huminto Nagtago Sa isang kalabang Walang katawan Walang isipan Subalit makapangyarihan Isang kalabang Tahimik na sumisiksik Sa bawat mahawakan Tahimik na kumakapit Sa ating marupok na katawan Isang pakikipaglaban Sa laro ng kapalaran Habang sinusubukan Ng mga doktor na dugtungan Ang buhay na nakikipaglaban Sa kamatayan Subalit marupok Maging ang mga mandirigma Kulang ang baluti Kapos ang kagamitan Na sana'y magliligtas Sa kanilang tagapagligtas Isang pakikipaglaban Sa tatag ng katawan Sapagkat kasabay ng paghinto para mabuhay Ay paghinto ng ikabubuhay Nilang nakasalalay sa isang kahig Ang bawat isang tuka Natigil ang mga nagmamaneho Huminto ang mga nangingisda Napatda ang mga nagsasaka At natigil ang daloy ng ekonomiya Isang pakikipaglaban Sa tibay ng isipan Sa bagabag ng pusong Tigib ng takot Pangamba Pangamba Para sa mga buhay ng mga taong mahal natin Pangamba Para sa sarili nating buhay Sapagkat alam nating kapag sinubok Ng kapalaran Baka hindi kayanin Ng katawan Ang pakikipaglaban Isang kalaban Ang tahimik na sumisiksik Nagbabadya sa marupok na katawan Nanunukso sa marupok na isipan Sa labang ito Maging ang matatapang na kabalyero Ay natitibag At ang matitikas na mandirigma Ay nagugupo Isang pakikipaglaban Ang ating isipan Ang unang natitibag Ang ating puso Ang unang nababasag Kilalanin natin ang sakit Yakapin ang pangamba Sa panahon ng pakikipaglaban Sa kamatayan Kabutihan Malasakit Pang-unawa Ang tangi nating makakapitan
(c) April 2020, Herbel Santiago