Writing Contests

Poetry Writing Contest #2

Photo by Anete Lusina on Pexels.com

Pag-ibig Na Sana

Pagmamahal mong wagas at labis na nag-uumapaw
Ginto at brilyante ma'y hindi rito makasasapaw
Matagal-tagal na rin subalit nais pa ri'y ikaw,
Ikaw ang gabay at sa dinaraana'y naging tanglaw
Sa piling mo'y malaya't pangarap ay naisisigaw
Abuelo, 'di magsasawang piliin ka araw-araw

--- Ayi Ford
After all the laughter, the kisses and sugary sweet dreams
Of us in our little bubble, always in perfect harmony
The end was never an option, never in sight
Until you came to me one night with teary eyes and a wary smile
Shaking and nervous, you whispered goodbye
And unknowingly took my heart, forever lost, no longer mine

--- Bien Aronales
Should've let you in,
Books we should've written
Regrets; what we have been
It should've been us
Wish you'll forgive me
We're not meant to be.

--- Jana Yome
Liwanag ang pinagkaloob sa isang gabing may kalaliman,
Ng mga nagniningning na tala at ng matingkad na buwan,
Kagaya ng romantikong pagtinging itinakda ng kapalaran

Sa gitna ng sayawang malambing, kamay mo ang hawak
Ang mundo kong tahimik, pinunan mo ng musika at galak
Sa pagkisap ng mata, pagitan mo sa akin ay napakalawak

--- Ancel Mondia
Happiness is not found in smiles
If Heaven and Hell decide that they are both satisfied
Love of mine, someday you will die
Run after your dreams
I beg you, don't choose me.
To have a life, you must kill.

--- Toni Alison
Sa muling pagdalaw ng mga paru-paro,
Handa ka bang isayaw muli ang payaso?

Tumingin lampas sa mga pulang watawat,
Patungo sa matang nangangako ng tapat.

Sa larangang ikaw ang taya,
Susugal ka ba sa hiling na sana?

--- Felicity Serene
Pagtatagpong akala natin ay itinadhana
Pagsasamang akala natin ay wala nang kawala
Pinagdasal at hiniling sa Poong Maykapal,
Pag-iibigan na mauuwi na sana sa kasal,
Ngunit paano mo masasabing tayo talaga hanggang dulo?
Kung bumitaw ka agad sa gitna ng istoryang ating binubuo?

--- Bobbie Pandoy
Pag-ibig na sana sa iba ko na lang ibinigay,
Pagmamahal mo pala'y hindi ganun katibay,
Minsan lang ako sumablay,
Sinaktan mo ng walang kapantay,
Ngunit pipilitin ko pa ring mabuhay,
Sapagkat alam kong sa akin ay may naghihintay.

--- Jessa Vivas Arellano
Ngayong sumapit na ang umaga,
Sa mahabang lumbay ng gabi
Dahil sa pagdaan ng takipsilim ng pag-ibig natin
Pag-ibig na sana itong muli mong pagbalik
Huwag mo na sana akong lisaning muli
Habang-buhay na sana tayong magkatabi.

--- Carlo Manawis
The streets we used to walk together feels different now, the wind feels colder too

The nights are darker now, I remember we used to stare at the moon

We used to talk for hours, now barely ever

Love is like a liquor, the pain a hang-over

Forever is a promise and promises lie

Should've been love, but we let it die

--- Rahven Ahren Aziz

MGA NILALAMAN

Like what you read? You can support & donate through Paypal or here. 🧡🌸

Leave a Reply