#MitolohiyaBooks #YoungAdult

Unang Aklat: Si Sapira at ang Aliping Itinakda
SYNOPSIS
Noong unang panahon, ang kaharian ng mga Montala ay lugar kung saan buhay ang mga mito. Subalit nagbago ang lahat ng dumating ang mga taga-Kanluran. Ipinagbawal nila ang lahat ng uri ng kapangyarihan.
Sa isang isla ng Montala, matiwasay na namumuhay ang aliping si Sapira sa ilalim ng proteksyon ni Datu Sakay. Maliban sa mga panahong nakikipagsapakan siya sa mga binatilyong katribo at nalalamyerda sa pusod ng gubat na ipinagbabawal sa kanya ng kanyang Inay, mabait at masunurin ang dalagita.
Isang pangyayari ang nakatakdang magpabago sa kanyang buhay. Isang pangyayaring magdadala sa kanya sa bingit ng pakikipagsapalaran, paglalakbay, at panganib. Mga bagay na hindi naman niya ginusto.
Samantala, may mga nilalang na nag-umpisang maghasik ng kasamaan at karahasan sa boung kaharian, isang multo na bahagi ng kanilang itinakwil na nakaraan.
Subalit ano ang kinalaman ni Sapira sa lahat ng ito?
(c) 2018, Herbel Santiago