Donate here: Paypal or here. 🧡🌸
#MatalinghagaBooks

Manunulat
Sa likod ng kawalan
Nagtatago ang kabuuan
Sa harap ng kadiliman
Nabubuo ang katatagan
Kahit banyaga
Sa kanila ang liwanag
Sapat ang tanglaw
Ng kanilang sariling liwanag
Sa mundong may limitasyon
Sila ay umiigpaw
Lumalagpas
Sa itinakdang kahon
Sa gitna ng kadiliman
Binubuo ang kanilang ngalan
Tinitipa ang kanilang mga letra
At sinusulat ang kanilang istorya
Sila ang manunulat
Manlilikha ng kaalaman
Kaalamang natutunan
Kahit na may taal na humahadlang
Sa araw na ito
Sila ang mga guro ko.
October 2018
(c) Herbel Santiago
Like what you read? You can support & donate through Paypal or here. 🧡🌸