Filipino: Mga Tula

Donate here: Paypal or here. 🧡🌸

#MatalinghagaBooks

Photo by Krisia Vinzon on Pexels.com

Wika

Bahagi ng pagkatao
Kabiyak ng puso ko
Ang tatak ng diyalekto
Na nagpapatakbo ng mundo

Nasa dugo ko ang alamat ng mga lahing bayani
Nasa wika ko ang sining at panitikan na hinabi
Nasa puso ko ang alab at tatlong bituin palagi

Aking wika ay mahalaga
Aking ninuno ito'y inaruga
Sa puso'y aking itinala
Ang wikang pamana

Pagkat ako ang mitolohiya na gawa ni Bathala
Mula sa liwanag ng tala, tubig, alabok at lupa
Kayumanggi ang balat ko na ilalathala
Kahit saanmang sulok ng mundo ay dinadakila

Bagamat hindi perpekto
Hindi ko ikahihiya na Pilipino ako
Ang wikang gamit ko
Gagamitin ng taas-noo

Wikang Filipino
Itatanyag ko ng buo
Saanmang panig,
saanmang dako
Kailanman hindi ko
ikahihiya ito


Herbel Santiago, David Salvador Albisse, Marisse Bias Calicdan, Dein Spokes at Axel Buella
(c) 2021

MGA NILALAMAN

Like what you read? You can support & donate through Paypal or here. 🧡🌸