Filipino: Mga Tula

Donate here: Paypal or here. 🧡🌸

#MatalinghagaBooks

Hagdan

Nagmamadali ang lahat
Nagsisiksikan ang sandamakmak
Sa makitid na daan
Na nababakuran ng katawan

Lahat kaya ay may patutunguhan?
Lahat kaya ay may ipinaglalaban?

Marahil.

Pagkat kapag nakikipagsiksikan
Kang ganito
Marahil ay may kanya-kanya
Kang kuwento

Kaya't tutugpain
Ang makitid na hagdan
At makikipagsiksikan
Dahil may lugar
Na kailangang puntahan

February 2, 2019

(c) Herbel Santiago

MGA NILALAMAN

Like what you read? You can support & donate through Paypal or here. 🧡🌸