Filipino: Mga Tula

Donate here: Paypal or here. 🧡🌸

#MatalinghagaBooks

Payapa

Naroon at nakahilig
Payapang nangungunyapit
Sa mumunting
Mga bisig

Ito na nga yata ang hitsura
Ng pagmamahal na sobra
At ito rin ang hitsura
Ng pagtitiwalang sobra-sobra

Naroon at nakahilig
Payapang nakasandig
Sa mumunting
Mga bisig

Ito na nga yata ang hitsura
Ng pagiging magkapamilya
At ito rin ang hitsura
Ng pagmamahal sa pagitan nila

Ito ang leksyon
Na tila silang mga mumunti
Ang higit
Na siyang laging nakapagtuturo.

February 3, 2019

(c) Herbel Santiago

MGA NILALAMAN

Like what you read? You can support & donate through Paypal or here. 🧡🌸